Kabanata 18

Ang Pinangako

"Aray!" Nakaramdam ako ng paghila ng buhok ko mula sa likod. Biglang naghagikgikan ang mga kaklase kong babae.

"Feeling pretty pero mukha namang aswang," sabi ni Claudette. Isa siya sa pinakamaganda sa classroom kaso nga lang ang hilig niyang mang-away ng tao. Matagal niya na akong pinag-iinitan. Hindi ko lang talaga alam kung anong dahilan niya.

"B-Bakit mo iyon ginawa?" naiiyak kong tanong habang nakahawak sa ulo ko. Wala naman akong natatandaan na may ginawa akong masama sa kanya.

"Why are you always with the Romeros ba? Sino ka ba?"

Nanlaki ang mga mata ko sa tanong niya. Sila Tan-tan at Forest? Anong mayroon...?

May problema ba sa kanila?

Pinanlisikan niya ako ng mata at lumapit siya. Tinulak niya ako sa balikat at napaatras ako. Kaunti na lang kaming natira sa classroom at halos mga kaibigan niya pa ang nandito. Pinalibutan ako ng takot at kaba dahil ko hindi alam kung ano pang gagawin niya.

Dapat pala sumabay na ako lumabas kay Forest.

"Because of you, Forest does not notice me in class. Lagi pa kayong magkatabi. Layuan mo siya!"

Huh?

Anong ibig niyang sabihin?

Hindi nga ako masyadong kinakausap ni Forest!

Lagi niya pa akong sinisimangutan. Magkasama lang naman kami dahil magkaibigan ang magulang naming dalawa. We do not even talk much since...

My eyes widened.

We have not talked much since Ethan started living with them.

"I am warning you, Sophia. Kung hindi, mas higit pa ang gagawin ko sa iyo!" Nanginig ako dahil sa banta niya. Iniwan nila akong mag-isa sa classroom at nang makaalis na sila ay hindi ko maiwasan ang pag-iyak ko.

Lagi niya lang akong sinasamahan pero hindi naman kami nag-uusap. Kung mag-usap man kami, saglit lang at puro tungkol sa school. Anong problema ni Claudette at sinasabihan niya akong lumayo sa kanilang dalawa ni Tan-tan?

Kasalanan ko ba na hindi siya napapansin? Lahat naman ng tao sa klase hindi gaanong pinapansin ni Forest. Isnabero talaga siya!

Pinapalis ko ang luha ko sa aking mga mata nang biglang may humablot sa kamay ko. Napasinghap ako sa rahas ng kilos na iyon. Nanlaki ang mga mata ko nang makita kung sino ang humawak sa akin.

It was Forest. Namumula siya at mukhang galit na galit. Magulo ang kanyang itim na buhok at nakakunot nang husto ang kilay. Mahigpit ang pagkakahawak niya.

What is he doing here?

Umalis na siya kanina.

Nakita niya ba iyong nangyari?

It was as if my emotions got more triggered because of his presence. New set of tears dropped on my cheeks.

Bigla niya akong hinigit papalapit sa kanya at niyakap. He embraced me tightly that I had no choice but to cry on his shoulder. Natabunan ng kanyang damit ang aking mga hikbi.

"I am sorry. I am sorry," paulit-ulit niyang sambit na siyang lalong nagpaiyak sa akin. Bakit ka nagso-sorry? Hindi naman siya ang nanakit.

"Ba-Bakit nila ako–"

Hindi ko na natapos ang sasabihin dahil sa paghikbi. Nabasa ko ang uniform ni Forest sa sobrang pag-iyak at hindi niya iyon ininda.

He rubbed my back and squeezed me. "I will protect you," he whispered through my hair. "I promise. Hindi ka na nila aawayin ulit. Kinausap ko na sila." Niyakap niya ako lalo.

It was a promise I held on to ever since he said it.

He was still holding my hand when we went to the gate. Buhat-buhat niya ang bag naming dalawa. Kahit papaano ay kumalma na ako sa pag-iyak. We are both waiting for me to be fetched. I kept telling him that I am already alright pero sinisimangutan at iniirapan niya lang ako.

"Nandito na pala kayo," nakangiting bati ni Tan-tan Agad natanggal ang ngiting iyon nang makita ang itsura ko. Dumapo ang mata niya sa magkahawak naming kamay ni Forest. Napalitan ang ekspresyon niya ng pag-aalala.

"What happened? Anong nangyari? Forest?" sunod-sunod niyang tanong. I gave him a weak smile, but he just looked more confused. He gazed in Forest's direction but the Gubat did not even face him. Forest just answered him coldly, "I sorted it out, Kuya." Nagkatinginan silang dalawa pagtapos.

Nakita ko ang paglunok ni Tan-tan bago siya tumikhim at umupo na lang sa tabi ko. Dahan-dahan niyang kinuha ang kaliwa kong kamay at hinawakan iyon. Bumuntonghininga ako habang pinagmamasdan ang pagkakahawak nila sa aking dalawa.

What did I get myself into?

Simula noong araw na iyon, hindi na ako tinatabihan ni Forest.

Ilang buwan ang lumipas na iniiwasan ang isa't isa. Hindi niya na ako pinapansin kapag nasa iisang lugar lang kami but, his presence remained a relief and his silence a comfort. Despite the empty moments together I know he is watching over me. I would catch him looking at me sometimes but other than those moments, there is nothing more.

Forest magically shows up when I know someone will insult or tease me. Hindi niya man ako kinakausap pero naroon siya. I would often hear his name whispered among Claudette's group afterwards.

Akala ko nga ayos na ang lahat. Nalulungkot ako kasi sabi ni Forest poprotektahan niya ako. Kasabay ba noon ang hindi na namin pakikisalimuha sa isa't isa?

Kalaunan, madalas ko na rin siyang makita na kasama ni Claudette kahit saan. Simula noon, hindi na ako ginugulo ng babaeng iyon at ng mga kaibigan niya.

Weirdly enough, si Tan-tan naman na hindi ko kaklase ang laging sumasabay sa akin tuwing tanghalian. Mas nakakausap ko pa siya kaysa kay Forest. Tuwing hahanapin ng paningin ko ang Gubat na iyon ay wala siya sa paligid.

In due time, I found comfort in Tan-tan's presence. But there are times when I wish that hindi na lang ako pinupuntahan ni Tan-tan. Nakikita ko pa rin palagi ang panlilisik ng mga mata ni Claudette sa akin tuwing kasama ko si Tan. Akala ko dahil lang kay Forest ang pagtrato niya. Dahil pala talaga sa magpinsan.

Tan-tan became my protector in the next months. Ayaw ko man magkumpara pero parang napako lang ang pinangako ni Forest.

Nalipat siya sa star section kaya hindi na kami nagkikita. Si Tan-tan na lang ang lagi kong kasama. Si Tan-tan na sa kabilang dulo pa ng school ang classroom dahil higher year siya. Dinadayo niya pa ako tuwing lunch para lang makasabay kumain. Samantalang ang Gubat na iyon magkatabi lang naman ang klase namin pero hindi nagpaparamdam.

Masaya naman ako tuwing nandito si Tan-tan pero nababagabag ako minsan. Pakiramdam ko may kulang. Pakiramdam ko may mawawala.

I cannot help but think something bad is about to happen every time I am alone. May ilang beses na binubully pa rin ako sa klase dahil hindi ako mapakali. I also do not get the reasons for all the insults and teasing I receive, but I am victim to it.

I do not know what to think and everything is making me so confused. Kahit na gumagaan ang loob ko kapag nandito si Tan-tan, I cannot help but feel lonely.


← Kabanata 17

Kabanata 19 


Back to Main


Comments

Popular posts from this blog

For the Dream I'm Still Trying to Reach

The Imposter Within

Kabanata 1