Kabanata 17

Ang Mga Romero

Kabanata 17

- SAMPUNG TAON NANG NAKALIPAS -


Click!

"Isa pa. Isa pa." Umungol ang dalawa kong kasama bilang protesta. I held both of their arms and their scowls immediately turned into a smile.

"Soph is their weakness, huh, Hon?" sabi ni Daddy kay Mommy. I smiled at Mommy behind the camera and she winked at me bago muling nagbilang.

"1... 2... 3... Smile!"

Narito kami ngayon sa bahay ng best friend ni Daddy na si Tito Keihl. Lagi nila kami iniimbita rito para may kalaro ako. Best friend din ni Mommy ang asawa ni Tito. Kaso ang sungit ng anak nila. Mas gusto kong kasama ang pinsan niyang si Tan-tan.

"Hala, dali na, Kuya. Kuhaan mo ako ng mga bulaklak," I used the sweetest voice I could muster. Sumimangot ang Gubat na kasama naming dalawa.

Kung hindi niya lang ito bahay, wala sana siya dito. Si Tan-tan ang gusto kong kasama.

"Do not ruin the plants. Bawal kumuha ng mga bulaklak dito sa bahay namin," masungit na sambit ni Forest.

Hot tears pooled on my eyes. Ano bang problema niya?

He is my friend daw pero lagi naman siyang galit sa akin. I remember we used to get along pero pagkauwi namin galing bakasyon, ganito na siya lagi.

Biglang hinawakan ni Kuya Tan-tan ang kamay ko. Tumingin ako sa kanya despite of the tears threatening to fall. I am a big girl now, I know. Tuwing kay Forest lang naman ako naiiyak nang ganito. It is hard to suppress tears that are already bound to fall.

"Pia, Forest is right. Dapat hindi bunutin ang mga bulaklak. Masisira ang ganda ng hardin," mahinahong pagpapaliwanag niya sa akin. Nakita ko ang lalong pagkunot ng noo ni Gubat. Nang makita niyang lumingon ako sa kanya ay iniwas niya lang ulit ang tingin niya sa akin. Nakanguso na siya ngayon at mas lalong sumimangot.

"I-Ilalagay ko lang naman sana sa buhok ko," naiiyak kong sabi.

Ang mga prinsesa sa mga palabas ang nakikita ko naglalagay sa ulo nila ng flowers and they all look pretty. Gusto ko rin ng ganoon.

"Halika dali," iginiya ako ni Tan-tan palapit sa bakuran ng mansyon ng mga Romero. I squeezed our hands tighter as he held mine. Napatingin siya sa ginawa ako at binigyan ako ng isa sa magaganda niyang ngiti.

It made me not want to cry anymore.

"Wow." Ang dami talagang bulaklak! May kulay pula saka puti. May pink rin! Mayroon ding blue. Walang nakalagay kung anong klaseng bulaklak ang mga ito, pero iba-iba lahat! Their garden is very different from ours. Muklang alagang-alaga ito.

"Pia."

Inangat ko ang tingin kay Tan-tan. He is two years older than me kaya dapat daw tawagin ko siyang Kuya pero hindi ko kaya. Friends naman kami ni Tan-tan. Mas matangkad siya sa aming dalawa ni Forest.

Tan-tan has been staying in Forest's house since summer. Dito na raw muna siya titira habang nag-aaral. His parents' work required a lot of travelling and they thought it would be best to leave Ethan with his relatives. They do come home during special occasions and I admire Ethan for being so understanding and capable.

Mas gusto ko talaga si Tan-tan–mabait, madaling kausap saka laging nakangiti sa akin. Hindi niya pa ako pinapagalitan.

"Ang ganda ng hardin nila Kyle, noh?" I nodded my head in agreement.

"Mas maganda kapag nakalagay sa buhok ko ang mga bulaklak para maganda rin ako." Natawa siya sa sinabi ko. Wala naman nakakatawa sa sinabi ko ha.

Pumunta siya sa harap ko at pinisil ang pisngi ko.

"Gusto mo ba na maganda lang sila lagi?" I nodded once again.

Anong gusto niyang iparating?

He smiled at me again and I felt my heartbeat getting faster.

"Para maganda sila lagi, huwag natin sila pitasin. Hindi ba kapag inaalagaan ang isang bagay, sinisikap natin na huwag sirain? At kapag inaalagaan natin ang isang bagay, mas lalo iyong gumaganda?"

I slowly nodded. I looked back at the garden. Forest was in the midst of it all. Nakapamulsa siya at pinapanood ang isang paro-paro na lumilipad.

He lazily tilted his head towards our direction. His green eyes made him look like he belonged with the beauty of nature. The scowl of his is still on his face but he suddenly looked at peace when he saw me looking at him.

I stared in silence, trying to understand what Tan-tan was saying to me. This is what I like about him. Nagpapaliwanag siya sa paraang maiintindihan ko.

"Kapag nagpitas ng mga bulaklak, makakasira lang?" kuryoso kong tanong.

"Hmm, oo. Hindi lang ang bulaklak, pati na rin ang mga halaman mismo. Parang tao; kapag kinuha mo siya sa lugar na dapat naroon siya, hindi na maganda ang kalalabasan, hindi ba? Mawawalan na siya ng gana. Tapos, makikita mo ang pangit na ng nangyari. Hindi mo na gusto. When you love something, you should let them prosper. It is not yours to take but yours to take care of. Once na nalanta iyong bulaklak, hindi mo na gusto. Itatapon mo lang din pagkatapos."

Tumango ako. Nagpatuloy siya, "Kaya ang gagawin mo ay ang hindi makakapagpalanta sa kanya para mas lalo lang siyang gumanda at magawa niya ang kailangan niyang gawin para sa hardin o sa mundo. Kapag dumating na ang punto na kailangan niya nang malanta, kahit papaano konektado pa rin siya sa nagbigay ng buhay sa kanya at nagawa niya ang kailangan niyang gawin habang buhay pa siya."

I nodded in understanding. Kaya pala mahigpit na ipinagbabawal ng Gubat na iyon...

Naiintindihan ko na.

Bumitaw ako sa kanya at tumakbo papunta kay Forest. He was now wearing a bored expression on his face. Pumangit sana siya paglaki niya. Puro ugly faces naman ginagawa niya.

"Gubat, Gubat," masayang tawag ko sa kanya. Ayaw niya na tinatawag ko siya ng nickname ko sa kanya pero masarap siyang asarin. Pumapangit siya lalo kapag tinatawag ko siya na Gubat.

"Ano?" Lumipat ang tingin niya sa likuran ko at napasimangot. Lagi siyang ganito. Kapag magkasama kaming tatlo at magkausap kami ni Tan-tan, mukha siyang laging galit. Ang sungit-sungit niya sa akin.

I pulled on his shirt. "Hindi na ako kukuha ng bulaklak. Aalagaan ko na lang sila. Hindi ko sila papatayin," malumanay kong sabi at saka siya tinignan. I gave him my sweetest smile and for a moment I saw his eyes soften.

I felt Tan-tan's hand pat my head and I raised my eyes to search his.

From now on, I am going to take care of the things I love.


← Kabanata 16

Kabanata 18 


Back to Main


Comments

Popular posts from this blog

For the Dream I'm Still Trying to Reach

The Imposter Within

Kabanata 1