Kabanata 11
Pagkatapos Mayakap
"Sino ka?!" napaupo kong sigaw. Natutop ko ang bibig ko.
I looked around my room wide-eyed and dumbfounded.
What just happened?
My breathing hitched.
Someone else was in my dream. Someone was with me.
He held me. He hugged me.
He was there!
"Run," he said. It was the person I have only been hearing but have never seen.
I ran my shaking fingers through my hair and stared up at the ceiling.
Bago ko pa mailabas lahat ng aking natutuhan, nauna na siyang magsalita. Isang pamilyar ngunit hindi kilalang boses ang nagpatigil sa aking paghinga.
"Whatever you do, Sophia, do not stop running."
It changed again. My dream changed again.
Bakit paglipas ng walong taon... bago pa lang ito nagkakaganito?
I thought what was said would be the only thing that would bother me. The voice who kept saying it had to come from somewhere, right Sophia? Bakit hindi mo naisip iyon?
I crossed my arms on my chest and hugged myself. Pinilit kong alalahanin kung paano ako niyakap ng tao sa aking panaginip. It felt so real in my dream I am craving the warmth it made me feel. He feels familiar, yet I cannot fathom who he can be.
Sino siya?
I got up from my bed slowly, kahit na nanginginig ang buong katawan ko. Maya stayed asleep on it despite the noises I made.
I unconsciously walked towards my window. Dahan-dahan kong hinawi ang kurtinang nakaharang doon.
I found my self staring at the window opposite from mine nang may hindi naiintindihang pakiramdam sa aking dibdib. It was as if there was a hole in my chest and the only way to fill it is to seek what is out there.
Binuksan ko ang bintana at tinignan ang kalangitan. There was light already peeking from behind the leaves of the Acacia tree.
Bawat segundo ng aking napanaginipan ay umulit-ulit sa aking isip. The more that I stare outside, the more I got this feeling that the answer is just under my nose.
Ilang minuto ang lumipas bago tumunog ang alarm clock ko para sa nakatakdang oras ng aking paggising. It pulled me from my trance making me close the window. Maya stirred, stretching her body, and yawning on my sheets.
My phone started ringing before I even got to move away from where I was standing. Naglakad ako patungo sa mesa at nakitang tumatawag si Aiden. I answered it but kept it away from my ears because knowing Aiden, he would scream my name as a greeting.
Sumigaw nga siya. "Here," I half-heartedly answered.
When he heard my reply, napalitan ng pag-aalala ang boses niya.
"Are you alright?" He asked from the other line.
"Yes, Kuya. A-Are you? Bakit ka napatawag? M-Maaga pa," agad kong pagpapalit ng usapan. Pinakinggan ko kung kapareho ba ng boses niya ang boses sa panaginip ko. My temple throbbed with the attempt.
"I will not be able to fetch you today."
Ano raw?
"Ha?"
"Hindi kita masusundo at masasabayan." Did something happen?
"B-Bakit po?"
He let out a frustrated sigh before answering back, "You know why..."
Oh. The only reason why Aiden would be so moody is her.
Does that mean that she is back? Jules is back? After a year, bumalik na siya dito?
"S-She is?" Hindi ko madugtongan. Mas lalong nagulo ang isip ko.
"Yes... Do not worry about it, alright? Ako na bahala."
I was about to say something more, but he ended the call abruptly. Tatanungin ko pa sana kung ibig sabihin ay hindi na siya papasok ngayong araw.
Pagkalipas ng ilang segundo ay may natanggap akong text mula sa kanya.
Aiden: Asked someone to fetch you. Ingat.
Nakatitig lamang ako sa screen ng cellphone ko. Kung nandito na siya, ibig sabihin ba magpapakita siya?
I want to see her but being left behind by my only friend hurt a lot. Dagdag pa iyong kasalanan niya kay Aiden at sa pamilya namin. I am not sure how I would act around her, but I do want to talk to her.
Sobrang daming tumatakbo sa utak ko na hindi ako nakausap ng mga magulang ko nang maayos habang nag-a-almusal. Hindi ko magawang sabihin agad kayla Mommy ang pagbabago sa panaginip ko. Kahit nakalabas na ako ng bahay, lumilipad pa rin ang isip ko. Nang buksan ko ang gate namin ay muntik na akong maduwal sa kinatatayuan ko.
I was just a few inches away from hitting the person directly outside of the gate. Nang inangat ko ang tingin ko, hindi ko napigilan ang paglaki ng mga mata ko.
Ethan Chase Castillo was standing right in front of me once again. His hands were tucked inside the pockets of his pants. Mukhang nagulat rin siya sa bigla kong pagsulpot sa harapan niya.
Nagkatitigan pa kami ng ilang segundo. Kalaunan ay lumambot ang kanyang ekspresyon. Nauna siyang nag-ayos pagtapos ay ngumiti sa akin. A black SUV was parked right behind him.
"E-Ethan?," nauutal kong tugon. What is he doing here?
"The one and only," nakangising turo niya sa sarili. He turned around and to my shock, inakbayan niya ako. "Tara na."
Hindi na ako nakapagsalita dahil sa gulat at kaba pero hindi ko rin maintindihan kung bakit parang ang saya?
From the corner of my eye, nahagip ng mga mata ko ang isang lalaki na kakalabas lamang sa kanilang bahay. His green eyes stared at me for a few seconds with a bored expression on his face. Dumako ang tingin niya sa aking katabi. Nagtiim-bagang bago iniwas na nang tuluyan ang mga mata sa dako namin.
I faced the car again when Ethan talked, "Nasabihan ka naman ni Aiden, hindi ba?"
He opened the passenger seat for me. Tumango naman ako bago pumasok. Mabilis siyang umikot para makapasok sa driver's at pinaandar na ang kanyang sasakyan.
Hindi ko naman agad naisip na siya ang papalit kay Aiden.
I am still too shocked that someone like him is driving me to school kaya wala akong naging imik.
Naramdaman ko ang pagpula ng leeg at pisngi ko dahil sa naisip. I tried to distract myself by putting on my seatbelt and fixing my bag that is on my lap. I need to calm myself.
"Akin na yan," mabilis niyang nakuha ang bag ko at inilagay sa likod na upuan. Magpapasalamat pa sana ako kaso pakiramdam ko mauutal lang ulit ako.
Nahuhuli ko siyang nagnanakaw ng tingin habang nagmamaneho. Hindi ko alam kung kinakabahan ba ako sa takot na baka mabunggo kami habang abala siya o dahil sa may kakaiba sa tingin niya.
I was contemplating on what to do or what to say when I heard him chuckle.
"Ayos ka lang?" natatawa niyang tanong. "Hindi naman kita kakainin, Sophia."
"Ah, eh, hindi ko kasi alam ang sasabihin sa iyo..." sabi ko nang may hilaw na ngiti. I feel so awkward and I wonder why I do not have friends. Ang hirap makipag-usap.
He placed one of his hands under his chin while the other was on the steering wheel, "Hmm, let's see."
Nakatingin ako sa kanya habang hinihintay ang kanyang sasabihin at doon ko lamang napansin kung gaano kaakit-akit ang itsura niya. Everything on his face looked perfectly sculpted from his thick eyebrows, narrow nose, and an angled jaw. Kung paano ang itsura niya sa profile picture niya ay ganoon siya sa harap ko ngayon.
I wonder what it would feel like to paint him. I have never tried portraits before. I only have sketches of people. Papayag kaya siya kapag ginawa ko siyang basehan?
Napatigil ako sa paghinga nang magsalita siya, "Natutunaw na ako, prinsesa, kanino mo pa ako tinititigan." A smirk was plastered on his face at agad kong naramdaman ang init sa mukha ko. Tumikhim ako at umayos ng upo. Nakaharap na ako sa dinadaanan ng sasakyan nang magsalita.
"S-Sorry," I squeaked.
"Do not be," he whispered in a voice that made my chest constrict. What is going on with me?
He hummed before speaking again. "Anyways, maglaro tayo."
"Laro?"
"Oo," sinulyapan niya ako saglit, "twenty questions. Alam mo iyon?"
Umiling ako dahil hindi ko naman talaga alam. Lumapit ako sa kanya nang kaunti dahil sa sobrang excitement. Napalingon naman siya at parehas kaming nagulat dahil halos isang dangkal na lang ang mukha namin sa isa't isa.
Biglaang lumiko ang sasakyan pakaliwa na naayos niya naman agad. Dumiretso ulit sa harap ang tingin niya. Napahawak ako sa dibdib ko at napatingin sa paligid.
Lumunok siya at umubo bago nagsalitang muli. "H-Huwag mo nang uulitin iyon. " I nodded in response pero kinakabahan pa rin ako. Muntik na kaming mabangga.
Napahawak ako sa pinto at ang paningin ko ay nanlabo. Tumingin ako sa mga punong nadadaanan namin at sinubukang pakalmahin ang sarili. My breathing started to get faster. I swallowed the bile in my throat.
Really now? Ngayon talaga, Sophia?
You are making things worst for yourself.
"Hey, hey." A hand held mine on my lap. Binaling ko ang atensyon sa taong nagmamay-ari ng kamay na humawak ng akin. Sinimulan niyang bagalan ang pagpapatakbo at pinarada ang SUV sa tabi ng kalsada.
Tears flooded my eyes. I had to look up to stop them from falling. My breathing was too fast. Frustration came to me. The bottled-up emotions since I woke up now wanted release.
Stop panicking.
Stop.
"Shhh. Hey, I am sorry. I am sorry," paulit-ulit na sambit ni Ethan habang hawak-hawak ang kamay ko. "Breathe with me, Soph," his thumb grazed the back of my hand but even that did not give me comfort.
"Soph, I am sorry... My Mom experienced panic attacks too," he calmly said to my ears. Ang isa niyang kamay ay hinahaplos ang buhok ko na siyang nakapapikit sa akin. I closed my eyes as a tear dropped on my cheek before he started talking again.
"Whenever she feels like this, she would always tell me to ask her questions." I did not respond and just listened. I opened my mouth to make breathing easier, but it was no use.
"So, what we are going to do..." sabi niya habang pinupunasan ang aking pisngi.
"...is exactly that, okay? You have to answer." Another sob came out as I nodded my head. I lifted my free hand and wiped some of the tears from my face.
"What is your favorite kind of doughnut?" Doughnut?
It took me a while to answer. Ethan walked patiently while massaging my hand.
"B-Bavarian," I found myself saying despite my heavy breathing.
He chuckled, "Pareho tayo. What about..."
Nag-isip siya. "...the most beautiful place you have ever seen?"
I instantly pictured it in my mind. Unti-unti nang kumalma ang aking paghinga at lumunok ako bago sumagot.
"The beach," I replied, thinking of the opposite kind of the one in my dream. Kung saan maliwanag at ang sinag ng araw ang nagpapakinang sa bawat galaw ng mga alon.
His hand left my hair and went to my chin, "Can you open your eyes?"
As a response, I slowly opened my eyes. A few tears dropped at mabilis niya itong pinunasan. His hands were now cupping my face.
"Next question," mariing titig niya, "what do you love doing the most?" Napakurap ako habang nag-iisip ng isasagot.
I started feeling sleepy as I held his eyes. I have started to calm down. I held his hands with my own and closed my eyes. I sighed deeply. What he is doing is helping me get distracted from panicking.
"Painting," ibinulong ko sa kanya. The memory of brush strokes exploded in my minds.
"How many pillows do you sleep with?" sunod niyang tanong. "Only one," medyo kalmado ko nang sagot.
"How many people have you slept with?"
Ha?
Minulat ko ang mga mata ko at isang mapaglarong ngisi ang sumilay sa mukha niya. Inilayo ko ang mukha ko sa kanya at tinulak siya palayo, "A-Ayos na ako. D-Diyan ka lang."
He started laughing and I glared at him. A lone tear escaped my eyes, but I rubbed it away immediately. The tightness in my stomach was slowly diminishing. Kahit ang paghinga ko'y mas kumakalma na.
"Joke lang, prinsesa. Hindi ka naman mabiro," natatawa niyang pang-aasar.
"Thank you," sabi ko sa kanya. Pinaandar niya na ang sasakyan at pinatakbo ulit. He helped me calm down. Nanatili na kaming tahimik buong byahe. In a way, it did not bother me that he saw me like that. The way that he looked at me made me think he understood what was happening and that there was nothing wrong with it.
I hope he does not think of me as someone weird.
We were at least ten minutes away from school when I decided I cannot take the silence anymore.
"Twenty questions?" I asked, hopeful that he would heed my request.
"Palit-palit tayo sa pagtatanong," sagot niya.
"Ganoon ba iyon?" Bakit kanina ako lang tinanong niya?
"Oo ganoon iyon, Soph." Sa bagay, paano nga naman ako makakapagtanong kanina kung hindi ako kalmado.
He asked me about school and myself. That was what we did before we arrived in school. I found out we like the same food, movies, and that he has a dog of his own. No wonder magkasundo sila ni Kuya, kapareho namin siya ng taste pagdating sa mga palabas.
Business Management ang kinukuha niya samantalang undecided pa ako para sa college. Although matipid ang mga sagot ko kumpara sa mga sagot niya, he did not push me for answers.
Nakita ko na lang ang sarili kong nakangiti paglabas ng sasakyan. The panicked and disturbed feelings now gone.
"Prinsesa, ang bag mo!" paghabol niya sa akin. Nasapo ko ang noo ko dahil sa pagkakalimot sa gamit ko.
"Hatid na lang kita sa room mo," biglang alok niya. Hindi na ako nakapagsalita. Nauna na siyang maglakad. Isinabit niya sa balikat niya ang bag ko.
Maraming napapatingin, dahilan kung bakit napapayuko ako at napapatago sa likuran niya. Nang mapansin niya ang ginagawa ko ay pinulupot niya ang isang braso sa balikat ko.
When we arrived outside my classroom, he ruffled the hair on top of my head and waved goodbye.
A smile was plastered on my face when I entered. Kyle Forest was already in his seat. Iginawad ko ang ngiti ko sa kanya.
Biglang nalukot ang mukha niya dahil sa pagsimangot. Unti-unting nawala ng ngiti sa mga labi ko. He looked away from me. Nagpatuloy ako tungo sa pwesto ko at naupo.
Hindi niya ba nagustuhan ang nakikita niyang ekspresyon sa mukha ko?
A new lump formed in my throat. I pushed back the worries that instantly jumped in my head. You have had enough for today, Soph. Huwag mong hayaan na madagdagan pa ang mga iniisip mo.
"Sophia, anong mayroon sa inyo ni Ethan?" ani Michelle na kasama si Heather. Nasa harapan ko sila pareho. There was not anything wrong with their question or their tone. They looked plainly curious.
"Ah, w-wala kasi si Kuya... kaya siya ang naghatid sa akin," simpleng paliwanag ko.
Biglang niyugyog ni Heather ang balikat ko, bakas sa buong mukha niya ang kilig, "Girl! Ang swerte mo naman!"
Nakalapit na rin pala si Karl. Sumulpot siya sa gitna namin ni Heather at pinatigil.
"Teh! Huwag mong alugin si Sophia, may sakit iyan!" natatawa niyang sabi.
Nginitian ko na lamang sila. Saktong dumating ang teacher naming kaya natigil ang usapan.
The whole time, hindi ako pinapansin ni Forest. Kahit may pairwork sa Algebra, hindi niya ako kinausap. Pareho tuloy kaming may sariling gawa at ako na lang ang nag-finalize.
I wrote him a note and slid it on his desk. Akala ko pagkatapos ng dinner sa bahay namin, magiging maayos ang pakikitungo namin sa isa't isa. Instead, he is acting colder towards me.
Pinulot niya ito at binuksan na parang wala lang iyon sa kanya. Ibinulsa niya iyon nang hindi man lang sinagot.
When the bell rang for lunch time, nilakasan ko ang loob ko para kalabitin siya, "Kyle."
Tinusok ko siya sa balikat habang nakahalukipkip siya't nakasimangot. Sa tagiliran ko naman siya pinindot.
"Hey, Kyle." I pouted but he still did not give me his attention.
Sa akin ba siya galit? I do not know what I did.
"Uhm... Forest," pinisil ko ang pisngi niya.
Nanlaki ang mga mata ko sa gulat nang bigla niyang hawakan ang kamay kong nasa mukha niya. Hinila niya ako papalapit sa kanya. Napatayo ako at nagpatianod hanggang sa mapunta ako sa harap niya.
"What did you say?" he croaked. Napatingin ako sa mukha niya. There and then, I saw longing in them. Bulong lamang ang pagtanong niya pero tahip-tahip ang kabang naramdaman ko dahil sa tono na ginamit niya.
I tried wriggling my wrist from his hand, "F-Forest." Hinigpitian niya lalo ang paghawak dito. Buti na lang at kaunti na lang kami sa classroom at may sariling mundo ang mga naiwan naming na kaklase.
"I-I..." Napalunok ako. "...said Forest."
Nakatitig lamang siya sa akin. Parang may sasabihin pa siya pero inunahan ko na siya.
"Fore-"
"Soph!"
Sabay kaming napatingin sa tumawag. Naroon si Ethan sa hamba ng pintuan. His hands were placed beside his mouth. Biglang bumitaw sa akin si Forest. My eyes went back to his face. Bumalik ang ekpresyon niya na nakita ko kaninang umaga nang lumabas siya sa bahay nila.
Walang pag-aatubiling pumasok sa klase namin si Ethan. Hinawakan niya ang kabila kong palapulsuhan at hinila ako palabas. Sa pagkabigla, hindi ako nakapagsalita agad.
I looked back inside our classroom. Wala na si Forest doon sa pwesto niya. Bago ko pa makita kung saan siya napunta, lumiko na kami.
Mabilis ang paglalakad ni Ethan. Kahit hila-hila niya na ako, nahuhuli ako.
"U-Uy!"
Napatigil siya nang magsalita ako. Binitiwan niya rin ako. He rubbed the back of his neck before turning around to face me.
"Uh..." He licked his lower lips. "I-I am sorry."
I brought my released wrist near my chest and rubbed it with my other hand. He pursed his lips because of what I did.
Namungay ang mga mata niya at maingat na lumapit. "Nasa canteen na si Aiden. Problemado... kaya ako na raw muna magsundo sa iyo galing sa classroom mo."
"Y-You did not need to drag me out like that. I... was still talking to someone." Hindi naman ako galit. Talagang nabigla lang ako sa inasta niya.
"At hindi na ako bata para samahan sa kung saan-saan," sabi ko sa kanya pagkalipas ng ilang hakbang. Napatuloy na ako sa paglalakad.
Tumabi siya sa akin. "Hindi nga bata... pero kailangan ka pa rin bantayan at alagaan..."
Tumahimik siya nang ilang segundo, "Kaya nga prinsesa tinatawag ko sa iyo. Sorry sa ginawa ko."
I pouted my lips and focused on staring at my legs while walking, "Almost all princesses are damsels in distress. J-Just do not do that again."
Bigla niya akong inakbayan. I lifted my head and I felt his unshaved stubble on my forehead.
"Except you," he said as he looked ahead. I looked up at him as we walked and listened to what he had to say.
"You are the princess your people cannot afford to lose. Nakakatakot kasing hindi pahalagahan ang taong kaya ang mag-isa. You might lose them in a blink of an eye. You are worth every care and attention one can give. If we did not give those to you, kami ang magsisisi sa dulo. Pasensya na ulit, na hinila kita nang ganoon."
Hindi ko masyadong naintindihan ang ibig niyang sabihin. Yet, I still smiled at him, "You are forgiven."
Nakita namin agad si Aiden sa isang la mesa. Nakita niya rin kami. I raised my right hand and waved at him. Ngumiti siya pero bakas sa ilalim ng kanyang mga mata ang pinagdadaanan siya. Nagkita kaya sila? Did they talk?
I took the liberty of buying him food when he said he did not have the appetite to eat. Nagi-guilty siya kapag hindi niya kinain ang pagkain na bili o bigay ng ibang tao para sa kanya. He scowled at me when I placed a tray full of food for him. Sinamahan ako ni Ethan na bilhan siya nito.
Siniko ako ni Kuya noong pasubo na ako ng pasta. "Parang nagkakamabutihan na kayo ha," bulong niya. Kinoonutan ko siya ng noo at ibinalik ang atensyon sa pagkain. Magkatabi kami samantalang si Ethan ay nasa kabilang side. Hindi niya kami nilingon.
"Ethan," tawag niya dito, "mag-uusap tayo mamaya." Ethan nodded at sabay silang tumingin sa akin.
Si Aiden na ang naghatid sa akin pauwi at tahimik ang byahe naming dalawa. I did not ask him about Jules or what happened because I know he will tell me in his own time.
Habang nasa sasakyan kami, umuulit-ulit na lang ang mga sinabi sa akin ni Ethan sa aking isipan, pati na rin ang napanaginipan ko ngayong araw. I cannot determine who owns the voice in my head.
Pagkauwing-pagkauwi ko sa bahay, sumalampak muna ako sa higaan ko. I called Maya and she immediately ran to me. When she sat on my stomach, I carefully lifted her up and started swinging her in all the ways I could think of.
With all the thoughts in my head, I headed to the kitchen to bake. Maya was turning around in circles in the kitchen. I assume what she thinks is helping me. She would bark every now and then. I was careful to not let any of the chocolate bakitter scatter or fall to the floor. Mahirap na at siya ang umaaligid ngayon.
Saktong-sakto kakalabas ko lang ng brownies sa oven nang biglang umalingawngaw ang tunog ng doorbell sa buong bahay.
Dahil ako lang mag-isa sa loob ng bahay, ako na lang din ang pumunta sa guard para tanungin kung sino ang bumisita. He informed me it was our new neighbor. Nagpasya akong ako na lang ang sasalubong.
Noong una, dahan-dahan ang pagbukas ko pero nang makita kung sino ang bumibisita, binuksan ko ang gate naming nang mabilis.
"Forest!" nakangiti kong bati. Hindi ko inaasahan na pupunta siya dito pagtapos niya akong hindi pansinin sa klase. I felt relieved somehow, that he is standing right in front of me.
Naka-gray shorts na lamang siya at dark green shirt ngayon. Kakaiba ang porma niya ngayon kaysa sa mga naunang pagkikita namin. Nakatingin siya sa sahig at nakahawak sa batok niya. His biceps flexed as he did.
Nagpamulsa siya nang hindi pa rin ako tinitignan, "Are you baking?" It is like he is trying to look mad, but he has to say something to me, or he needs something from me kaya hindi niya magawa. Sumandal ako sa gate, yakap-yakap ang hawakan.
Kunot-noo ko siyang binalingan, "Yes, brownies. W-Why?" How did he know?
"I smelled it from my house," mahina at nahihiya niyang sabi. He then chuckled awkwardly. Bahagyang namula ang leeg niya. Naalala ko bigla ang itsura niya noong natikman niya ang cookies na tinulungan niya akong i-bake.
Realization dawned on me. I want to see that expression on his face once again.
"Halika!" I do not know if it was just my mood pero ang lakas ng loob kong hinablot siya papasok ng bahay.
I looked back only to see him looking at our clasped hands with an unreadable look. Binalewala ko iyon at mas hinila pa siya. Si Maya ay nasa gilid naming dalawa na paikot-ikot na tumatakbo. Hobby niya na ang umikot-ikot nang ganyan.
Dinala ko si Forest sa kusina at pinaupo sa stool. His forearms were now on the counter and his hands were clasped together. Pinagmamasdan niya lamang ako nang pumunta ako sa kung nasaan ang brownies. Naglabas ako ng platito at pati na rin maliit na box para lalagyanan ng ipapabigay ko sa parents niya.
While I was slicing the perfect square for him, umalis siya sa inuupuan niya at lumabas ng kusina. Pumunta siya sa isang side table sa sala. Kitang-kita iyon galing sa kusina. Nakatalikod siya sa akin kaya hindi ko makita kung anong tinitignan niya roon.
"Forest," tawag ko nang mailapag ang pagkain sa pwesto niya sa nook. His shoulders relaxed when I called him. Dahan-dahan siyang humarap at nasulyapan ko kung anong frame ang hawak niya.
It was a picture of me when I was seven. Ayon kay Mommy, nasa likod ko ang isang bahagi ng malaking mansyon. Naging awkward ang pose ko sa picture dahil putol ang nakaunat kong mga braso sa gilid. I do not really know much about the photo. Hindi kasi pinapagalaw iyan ni Mommy. Baka mabasag ko raw.
When I looked up to look at Forest, nahuli ko siyang nakatitig sa akin. Walang bakas ng kahit ano sa mukha niya pero kitang-kita sa mga mata niya ang bahid ng lungkot. It was as if he is missing someone and that picture of mine reminded him of it-or atleast that is what I see. Ibinaba niya iyon nang maayos at bumalik sa kinaroonan ko.
Saktong dumating si Mommy at Manang noong kakain na kami kaya sumabay na rin sila sa meryenda. Hindi ko pa pala nasasabi sa kanila ang nangyari sa panaginip ko.
Lumipat sila sa dining room at iniwan nila ako sa kusina para ihanda ang iuuwi ni Forest sa kanila. When he was done talking to Mommy, he came into the kitchen.
"Here-for your Mom," inabot ko sa kanya ang box. Naglagay rin ako ng note for Tita Gwen sa loob, hoping that she would like what I made.
Napalunok siya. "Thank you," he hoarsely whispered.
Nagpupunas ako ng kamay nang maramdaman ko siya sa likod ko.
"Sinclair."
Run.
Napaharap ako sa kanya.
Did I just hear...?
He was not looking at me, but he has locked me in place. Seryoso ngunit may halong lambot ang pinukaw na tingin ng berde niyang mga mata.
"Can this... baking... be exclusively for me?" The tone in his voice made shiver run down my spine. Napakurap ako nang ilang beses.
Umatras ako nang bahagya para makahinga, "A-As far as I know, the only people I have baked for are our families."
I thought... I heard something.
"I would like it if you keep it that way." doon lamang siya nag-iwas ng tingin sa akin.
May ngiting naglalaro sa labi niya. "Just... you, me, your family, and mine." I found myself nodding just because of the sight of his lips curved up on one side.
Inilapit niya ang mukha niya sa aking tainga at saka may bumulong ulit. "Thank you." He placed his hand on my head and patted it once before leaving me in my kitchen.
Nanatili ako sa kusina at inikot ang paningin.
It cannot be him, right?
Mali ako ng narinig. I must be tired that... I am hearing things.
Comments
Post a Comment