Kabanata 5

Ang Kapares

Pagdating namin ni Aiden sa school kinabukasan, laking gulat namin nang nakitang nagdadagsaan ang maraming babae sa isang parte ng parking lot. Dahil sa sobrang daming nakaaligid ay hindi rin namin malaman kung anong mayroon doon.

May artista bang dumating?

I got out from the car feeling a bit light-headed at sinalubong pa ang tainga ko ng mga tili at hagikgik ng mga naroon sa parking space not too far from us. Ang dami nila... Doon pa naman iyong daan ko papuntang klase.

"Ihatid na kita, Soph," bulong ni Aiden sa tabi ko.

Napansin niya siguro ang pag-aalinlangan ko. Tumango ako at sumunod sa kanya sa paglalakad patungo sa direksyon kung nasaan ang maraming tao.

My chest started to hurt from breathing too hard as my legs started to feel weak. Nakayuko akong naglalakad sa likod ni Aiden habang siya naman ay walang kahirap-hirap na dumaan sa dagat ng mga babae. Ang iilan ay napatigil at nanlaki ang mga mata dahil sa simpleng pag-excuse niya.

How do people handle this much attention? I cannot see the fun in being screamed on my ears.

Aiden's used to it, I guess, dahil siya iyong varsity ng soccer. Pero sino naman kaya ngayon ang dinadagsa ng mga tao?

Nagsisimula nang bumilis ang aking paghinga kaya hinigpitan ko pa lalo ang hawak sa aking shoulder bag.

Malapit na ba kami? Bakit parang ang tagal? I closed my eyes and did not move even when someone accidentally stepped back and hit me.

Napahawak ako sa polo ni Aiden sa likod when I started to panic. Nanigas ako sa kinatatayuan ko habang pinapaligiran ng maraming tao. Napamura si Aiden at agad akong dinaluhan. The familiar barfing feeling now starting to carve into my throat.

"Soph, can you walk? Kaunti na lang, insan."

Paulit-ulit akong tumango sa kanya and then he held my right hand. He guided me by holding my left shoulder.

"Sa clinic na muna kita dadalhin. Is that okay with you?"

I nodded again and again, not daring to open my eyes. I do not want my tears to fall in front of so many people. As much as I do not want to go to the clinic, I have nowhere else to hide in.

Aiden lightly massaged the hand he was holding to keep it from being cold and shaking. Napansin ko rin na unti-unting tumahimik ang paligid dahil palayo na kami sa komusyon kanina.

The school nurse told Aiden he can leave so that he can attend his classes. Ayaw niya umalis noong una but when he saw how I calmed down already, nagpaalam na siya bago pa siya mapagalitan. Tinawagan niya rin si Daddy at gusto na akong pauwiin pero pinilit ko na kaya ko pa.

May pinainom sa akin ang nurse at hinayaan niya na akong magpahinga. After second period niya pa ako pahihintulutang pumasok sa klase.

"Miss Estrella, you can go back to your classroom. Here is your excuse slip. Do you need me to accompany you back?" mahinahon niyang tanong sa huli.

Umupo ako mula sa pagkakahiga at dahan-dahang tumayo. I willed myself to walk to my bag and then the mirror despite feeling a bit lightheaded. Inayos ko ang aking sarili sa harap ng salamin na naroon. Agad ko rin siyang nilapitan para makuha ang slip.

"Uh, kahit hindi na po. Kaya ko na po."

Two days in a row akong inatake. Here I thought I was getting better, but it feels like the other way around now.

"Are you sure?" I nodded before throwing on a fake smile and leaving the room.

As I entered the classroom, napansin ko na ang iilan sa mga kaklase ko ay nakaaligid sa upuan na katabi lamang ng pwesto ko.

I scrunched my nose and walked towards my seat; napasilip na rin sa kung anong pinagkakaguluhan nila pero nag-alangan akong lumapit.

"Sophia!" Napalingon ako sa aking likod bago ko pa makita kung ano ang nangyayari roon.

Kasalukuyang naglalakad iyong class president ng klase papunta sa akin. Kung tama ang pagkakaalala ko, Johan ang pangalan niya. May dala-dalang mga papel at seryoso ang ekspresyon. He was a bit taller than me, so I had to look up at him.

"Listahan iyan ng mga kailangan sa bawat subject pati na rin iyong ibang handout na binigay kahapon ng mga teachers," tukoy sa inabot. Agad ko naman kinuha iyon sa kanya gamit ang nanghihina pang mga kamay. Hindi niya agad binitiwan ang dala niya hangga't di ko maayos na nahawakan ang mga iyon.

What he did made me feel slightly better.

"Thank you, Johan," banayad kong sabi at nginitian siya. Nakita ko na namula ang leeg at tainga niya. Nag-iwas siya ng tingin at hinawakan ang batok bago nagsalita ulit.

I tilted my head in wonder.

"S-Saka ano pala, may pairing kahapon kaso wala ka," may bahid na ng hiya ang kanyang boses.

Hala? Paano iyon?

"Iyong new student ang ka-pares mo dahil seating arrangement ang partnering," he answered as if he heard the question in my head. Nakahinga ako nang maluwag.

Mabuti naman pala at hindi kanya-kanyang pili. Baka mahirapan na naman kasi akong makahanap kung sakali dahil noong Grade 11, hirap ako makahanap ng makakasama gawain. O... aalukin ba ako ni Johan? Kaklase ko rin siya last year at madalas niya rin akong lapitan para makausap at matulungan. He was a nice class officer. Mukhang ganoon pa rin hanggang ngayon at siya pa ang ginawang president.

Tinanguan ko siya bago lumapit sa kanya ng isang hakbang para magsalita. Napahakbang paatras si Johan bago pinamulahan na nang todo ang leeg. He looked like he was having a hard time keeping a straight face.

"Siya ba iyong new student?" Tinuro ko ang pwesto sa tabi ko at natatakpan pa rin ang view ng mga tao. Binalik ko ang tingin kay Johan at tumango naman siya sa akin pero hindi siya makatingin. "Kanina pa iyan dinudumog."

I nodded apprehensively. "Sige, thank you ulit, Johan." Isa pang ngiti bago ko ipinagpatuloy ang paglalakad papunta sa upuan ko. Nakita ko rin ang pagbalik ng ngiti sa akin ni Johan bago pumunta sa pwesto niya.

Bago ko pa makita, naramdaman ko na agad na may nakatitig sa akin. Napabaling ako sa direksyon kung nasaan ang bagong kaklase namin at tama nga ako.

Sitting there was a guy who looked fit all over. His body looking more mature than the boys in our class, but he is not overwhelmingly different. His knees were spread apart under the table while his hands were clasped together on top. Nakaawang ang bibig niyang nakatingin sa akin. Kinoonot ko ang mga kilay ko sa pagtataka sa kung bakit para bang gulat na gulat siya na makita ako sa harapan niya.

Napatuwid siya ng upo, natulala nang panandalian sa kung saan bago ibinalik sa akin ang tingin. Halatang hindi na siya nakikinig sa mga taong nakapaligid sa kanya.

When he realized I noticed that he was looking at me, agad niyang isinara ang nakaawang niyang bibig at humalukipkip. Nanatili ang tingin niya sa akin. Pinagpasyahan kong iiwas ang akin.

May sinabi siya at unti-unti nagsiupuan ang mga kaklase ko. Sinundan niya ako ng tingin hanggang sa makaupo ako at hinarap ko siya.

His hazel eyes were staring right back at mine when I looked at him. Hindi ko nakita mula sa malayo kanina pero ngayon, bakas ang kulay ng kanyang mga mata. They were brown, golden, and green. Kung kanina siya ang nakanganga, ngayon... ako naman. Nginitian ko siya at dahan-dahan namang umigting ang panga niya.

Mukha siyang galit sa akin kaya naman napawi agad ang ngiti ko. Kanina maraming nakikipag-usap sa kanya kaya baka naman madali siyang makausap? He just clenched his jaws at me and did not even smile back.

Umiwas ako ng tingin at umambang ilalabas ang mga gamit sa bag ko. Ako lang siguro ang problema.

"You are my partner?" bigla niyang pagsalita. Kung gaano siya ka-intense tignan ganoon rin ka-intense ang boses niya. His voice sounded restrained. Its lowness was expected because of how he looked, yet hearing it is different.

Dahil sa gulat ay nabitiwan ko ang ballpen na hawak ko. Pinulot niya naman agad iyon mula sa sahig. Nakaharap na siya sa akin ngayon and he leveled himself to match my height while sitting down. Hindi ko inasahan na kakausapin niya ako!

"Y-Yes. I just found out as well. T-Thank you," sabi ko habang kinuha ang ballpen ko mula sa kanya. Nilapag ko iyon sa desk ko. I swallowed dahil sa kahihiyan na nadarama.

"You were not here yesterday and the first two periods earlier," he said matter-of-factly. His eyebrows raised in curiosity and he looked at me accusingly as if he is figuring out an answer to his question. Napatingin muli ako sa kakaibang mata niya.

Just...wow. I do not think I will be able to give justice to those eyes if I try to put it on canvas. My thoughts were already drifting to painting dahil lang sa mga mata niya.

He scanned my face as he asked me, "Your name is...?"

Ilang beses akong napakurap bago binalik ang atensyon sa taong kaharap ko. Naramdaman ko ang unti-unting pag-init ng pisngi ko noong na-realize na napatulala ako nang wala sa oras habang siya naman ay nakatitig lang sa akin at naghihintay sa sagot ko.

"Sophia Sinclair," I whispered. He looked like he heard me since he did not ask again. He clenched his jaw once again. Pinanood ko rin ang dahan-dahang paglunok niya. Pinunas niya ang kanyang kaliwang kamay sa kanyang mukha bago huminga nang malalim. Biglang lumambot ang kanyang ekspresyon bago siya naglahad ng kamay sa akin.

"Kyle Forest," malamig niyang sabi.

I shook his hand. Nang hindi siya bumitaw agad ay napatingin ako rito. Pinisil niya ang aking kamay bago bitiwan. A jolt ran through my arm before he did.

Napakunot ako ng noo dahil sa naramdaman pero hindi siya nag-react. Baka guni-guni ko lang.

Binalik ko ang tingin sa kanya at mukha na naman siyang galit. He is looking at me like I am a puzzle when I know I look like I am trying to figure him out as well. I crookedly smiled at him.

"Your second name sounds cool," nakangiti kong sabi nang matanto ang pangalan niya.

Who would have thought forest could be used as a name. Ang galing lang. Maybe it is because of his eyes that he was named like that.

Bahagyang umangat ang gilid ng bibig niya at inayos niya na ang kanyang pag-upo. Ganoon na rin ang ginawa ko at tinugon na ang atensyon sa mga gamit sa harap ko.

"I like yours better, Sinclair," mahina niyang pagkakasabi.

Sinilip ko siya at hindi ko na napigilan ang malaking ngiti na sumilay sa aking bibig. Kanina pa ako ngiting-ngiti, baka mamaya mukha na akong ewan. Nakakahiya naman sa kanya. I glided my tongue on my left side cheek just to stop myself from smiling.

Bigla siya tumingin sa kung saan na para bang iniiwasan niyang ipakita ang mukha niya. But I swear to God, I saw a hint of smile crawling up on his face.

Apparently itong pagpa-pares namin ay pang-buong semester na at kung gusto magpapalit, sa second sem pa pwede. Kung sino naka-assign sa akin, siya ang kasama ko sa mga school trips, at partner sa thesis, homeworks, at projects.

Kanina ko pa binabalik-balik sa ka-partner ko ang tingin ko. Ang dami ko nang naiisip na pwedeng kalalabasan ng pagiging magkasama namin. Baka hindi pa tapos iyong first sem, gusto niya na mag-iba ng partner.

Napasimangot ako sa iniisip. I cannot even give myself a chance, paano na lang kapag ibang tao na?

As I stole glances, unti-unti kong napapansin ang mga features niya at hindi na ako nagtataka kung bakit siya pinapalibutan ng mga tao, lalo na ng mga babae. Siya ba ang dinudumog kanina? Siya na ba iyong tinutukoy nila Aiden na isa pang transferee? Ibig sabihin, kahapon lang din siya pumasok kung kailan wala ako. It is obvious that people like him. Mukha nga lang suplado, but he does not seem so bad.

"Ayos ka na, Soph?" tanong ni Michelle. Nakaupo siya sa harapan ko kaya madali lang kami makapag-usap pero natigilan pa ako dahil sa gulat bago nakasagot.

I put a stray strand of my hair behind my ear at pumilit na tumawa.

"O-Oo, thank you sa pag-alala, Michelle. Alam mo pala iyong nangyari..." Napanguso naman siya sa akin and genuine concern flashed across her face.

Inusog niya ang kanyang upuan para mas lalo siyang lumapit sa akin. "Pasensya ka na ha. Na-excite lang iyong mga tao. Isa na ako sa mga tao doon kanina. Buti na lang nandoon si Aiden. Tatawagin pa sana kita kaso na-realize ko iyong nangyayari sa iyo."

Bigla siyang napatingin sa lalaking katabi ko na seryosong pinagmamasdan ang paligid. Confirmed. Siya nga ang dinudumog kanina.

"Ah... Ayos lang. Naiintindihan ko naman iyon," sabi ko.

"Varsity soccer player daw siya sa lumang school niya sa ibang bansa," bulong niya. Kitang-kita ko ang pagkamangha sa mga mata ni Michelle sa simpleng tingin lang niya kay Kyle. Napatingin rin tuloy ako sa tinitignan niya at naramdaman ata ng lalaki ang titig naming dalawa.

Nang tumama iyong mga mata niya sa amin, agad akong nag-iwas ng tingin pati na rin si Michelle. She then giggled na parang kinikilig at napailing na lang ako at napangiti sa kanyang reaksyon.

I am not one of those people who get attracted just by someone's looks. Or as a matter of fact, I have never been attracted to anyone. Siguro dala na rin ng pagiging home-schooled. I was also taught by my parents na masamang ibase ang pakikitungo sa isang tao dahil sa kanilang itsura, lalo na pagdating sa pagpili ng crush at mamahalin.

It is what is inside that matters. Kaya kahit ang gwapo ng katabi ko, wala pa rin akong reaksyon. I just like his eyes, but that is it. I wonder how it feels like though–na kiligin dahil lang napagtuunan ng pansin ng isang kagaya niya.

Natigil ang isip ko nang biglang pumasok ang adviser namin na siyang teacher rin namin tuwing third period. The lesson was all about Filipino art and culture kaya na-engganyo ako sa pakikinig.

Anything about painting, drawing, and sketching interests me. A lot of people would hate subjects like this, but I love studying about the art of different cultures. Hindi nga lang ako ma-recite pero binabawi ko naman sa mga outputs ko.

The day went on and no one in the class talked to me the rest of the day. Sapat na ang iilang tao na nakipag-usap sa akin. Napansin ko nga lang na panay rin ang pabalik-balik ng tingin sa akin ni Forest habang kunot-noong nag-iisip. Pakiramdam ko tuloy may ginawa akong masama kahit na alam ko namang wala.

Aiden was already outside when our class finished. Kumpara sa first day, mas kalmado na ang mga tao sa presensya niya. Siguro ay na-miss lang nila ang paborito nilang soccer player.

Binati niya ang kakalabas lang naming teacher at kitang-kita ang pagkamangha ng mga kaklase kong babae dahil sa pinakita niya.

"Jusko! Feeling ko binibiyayaan iyong mga mata ko ngayon," ani ni Karl, ang bakla naming kaklase, kay Heather. Nakakatuwa silang pagmasdan. Nakita ko naman na napasimangot si Johan at napatingin sa banda ko. Iniwas ko ang mga mata ko sa kanila.

"Ang gwapo nilang dalawa, girl!" pagpapatuloy ni Karl habang nangingisay-ngisay sa kilig.

I heard some of the boys 'tsk' at the notion. Pinagpatuloy ko ang pagliligpit ng gamit at nilagay na sa aking balikat ang bag. Maglalakad na ako nang mapansin kong bago pa lang tumayo si Forest. Hindi siya nakatingin sa akin pero mukhang mas galit siya ngayon.

Anong problema niya?

"Ang ingay mo talagang bakla ka! Nasa paligid mo lang iyong mga tao," suway naman ni Heather at binelatan lamang siya ni Karl. Natatawa ako sa usapan nila pero hindi ko naman sila ka-close para tumawa.

"Sophia! Pakilala mo ako sa pinsan mo oh," biglang pakikiusap ni Karl sa akin. Sasagutin ko na sana kaso nauna siyang bakitukan ni Heather kaya ngumiti na lang ako.

"B-Bye," pagpapaalam ko kay Forest pagkadaan sa kanya. To my shock, a grin sprawled across his face. Kanina kung makabusangot parang ang daming problema. I felt my heart squeeze at the sight kaya nag-iwas na ako ng tingin at nauna nang maglakad palabas ng pinto.

When I got home, dumiretso ng takbo sa akin si Maya. I greeted her and played with her a bit before proceeding to the kitchen to get some water.

"Manang?" tawag ko sa tahimik na bahay. Walang sumagot.

There was a note on the counter, and I opened it to see what it says.

"Your turn to cook. Patulong ka kay Manang Elissa." – Mom

I folded the paper and then threw it in the trash.

Ganito kami lagi. Kahit may katulong na magluluto para sa amin, nagsabi pa rin ako na gusto ko paminsan-minsan ako ang magluluto. I ended up loving cooking, baking, and painting dahil lagi naman akong nasa bahay noong nasa Sweden kami. Pampalipas-oras kumbaga, but among those three, only painting became a passion.

Maya followed me wherever I go like a little shadow. Naupo agad siya sa paanan ng kama ko pagka-akyat namin sa kwarto. I patted her once before going inside the bathroom. I changed clothes and went back to the kitchen to start cooking chicken adobo. Hiwalay rin akong nagluto ng adobong gulay because I find that it tastes better alone kaysa sa ihalo sa manok.

Habang hinahayaan kong kumulo ang ulam namin, gumawa rin ako ng no-bake blueberry cheesecake. I gave Maya her food first before making it.

"Oh, Pia. Nakauwi ka na pala?" pagsalubong sa akin ni Manang Elissa pagpasok niya ng kusina. Mukhang galing palengke. Iniwan ko ang paghahalo ng cream cheese para tulungan siya sa mga dala niya.

"Opo, Manang. Nagluto na rin po ako ng adobong manok saka adobong gulay. Gumagawa na rin pong dessert," sabi ko habang nilalapag ang mga pinamili niya sa counter.

"Ang sipag mo talagang bata ka. Aba eh, patikim nga niyang niluluto mo."

When my parents arrived, agad kaming kumain ng hapunan. Tatlo lang kami sa pamilya. We have three maids and two security guards. May kalakihan din kasi ang bahay namin, at malawak ang paligid. Hiwalay na kumakain ang lima sa amin.

They asked about what happened in the morning and I made sure they would not worry about me. Saktong nag-set na iyong cheesecake sa oras para sa dessert.

I was half-way through my slice when Mommy asked, "By the way, Sophia. I invited our new neighbors for dinner on Friday. Is that okay with you?"

Naalala ko ang mga nagbubuhat ng boxes noong isang araw.

Oo nga pala.

"That is if kaya mo anak," pagdagdag ni Daddy. Napatingin sila sa isa't isa and I knew they had an understanding about something.

"Yes po. Ayos lang 'My, 'Dy." I smiled at them and continued eating my dessert.

I excused myself after eating and went up to my room. I pulled out a new canvas and faced my window. I looked out of it at napatingin sa bahay na katabi namin.

My room is the one nearest to that house. The fence separates the lot at pagtapos ay may puno ng Acacia sa labas ng bintana ko. I drew the curtains and opened my window. All the lights were off except one room–ang katapat ng kwarto ko.

I sat down on my stool, placed the canvas on my easel and started painting. I captured the way my curtains flew because of the wind and the way the leaves of the tree shivered as it covered the window outside, where a dim amount of light was emitting from the room.

I spent all night painting. I finished the same time the lights were turned off from the other side of our fence.


← Kabanata 4

Kabanata 6 


Back to Main

Comments

Popular posts from this blog

For the Dream I'm Still Trying to Reach

The Imposter Within

Kabanata 1